TALUMPATIPASASALAMAT PARA SA AKING MGA BAYANIMagandang araw sa inyong lahat. Ako po ay nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakataon na maipahayag ang aking pasasalamat sa aking mga magulang sa araw na ito ng aking pagtatapos sa senior high school. Sa aking mga magulang Mama at Papa ako ay labis na nagpapasalamat sa inyo. Sa inyong walang sawang paggabay sa akin at sa aking mga kapatid. Ang bawat tagumpay na aking nakamit ngayon, hindi lamang ito bunga ng aking pagsisikap, ngunit ito ay bunga ng inyong walang sawang pagsusuporta. Sa mga problemang aking naranasan kayo ay paliging gabay sa aking gilid. Hindi sapat ang aking masasabi ngayun dahil labis na kulang ang mga pasalita upang makapagpasalamat sa inyo kayat ako ay mag pupursige upang maka bawi sa inyong mga ginawa upang makarating ako kung saan man ako ngayon. Sa bawat tagumpay na aking natamo kayo ang aking iniisip na. Maraming salamat po sa inyong mahabang pasensya, sa inyong walang sawang pagtitiwala, at sa inyong hindi matatawarang pagmamahal kahit ako ay nag kakamali minsan. Kayo po ang aking inspirasyon sa lahat nang aking ginagawa, kayo po ang dahilan kung bakit ako nagpupursige at gusting