KOLEHIYO NG EDUKASYON 1 Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran nito Introduksyon Ang edukasyon ay para sa lahat at ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangang makamit ng bawat indibidwal, bata man o matanda. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay pagbabago rin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa nakamamatay na COVID-19. Ang biglaang transisyon mula sa face-to-face classes mula sa distance learning gamit ang modyul at online classes ang nakapagpabago sa sistema ng pag-aaral sa kasalukuyan. Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ay bino-broadcast ang mga lektura o mga klase sa pamamagitan ng pagsusulatan. Sa ganitong paraan ay hindi na kinakailangang pumunta ng mag-aaral sa isang paaralan (Stanfford Global, Org. 2020). Ang modyular na pagkatuto o modyular learning ayon kay Manlangit et.al (2020) is a form of distance learning that uses Self-Learning Modules (SLM) based on the most essential learning competencies (MELCS) provided by DepEd. Ito ay isang sistemang ginawa ng Department of Education o DepEd upang makapag-aral pa rin ang mga estudyante kahit hindi pumapasok sa paaralan. Sa sistemang ito, pahihiramin ng paaralan ang mga mag-aaral ng modyul para matuto sa mga aralin. Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget