FILIPINOKASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA1 Nobyembre 1897- Nilagdaan at pormal na pinagtibay ang Saligang Batas ng Biyak. na-Bato. Sa pamamagitan ng konstitusyong ito, itinakdang gamitin ang wikang Tagalog bilang opisyal na wika ng Republika. 1901 Sa pamamagitan ng Batas Blg. 74, itinakda ng Philippine Commission na gawing opisyal na wika ng bansa ang wikang Ingles. Nakasaad rin sa batas na ito na gawing midyum ang wikang Ingles sa pagtuturo sa mga paaralan.1931- Iminungkahi ni Bise Gobernador George C. Butte, Kalihim n Pampublikong Edukasyon, sa kanyang panayam na gamitin ang bernakular ng iba't ibang lugar sa pagtuturo sa primaryang antas. 1935 Ayon sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang-Batas ng 1935: "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na wikang opisval."27 Oktubre 1936 Naganap ang Unang Pambansang Asemblea kung saan iminungkahi ni Pang. Manuel L. Quezon na mahalagang magtaglay ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat. 13 Nobyembre 1936 Nilagdaan ni Pang. Manuel L. Quezon ang Batas Komonwelt Blg. 184. Alinsunod